LOS ANGELES, USA – Libu-libong “penis fish” ang biglang naglitawan sa dalampasigan ng California.
Ang nasabing marine creatures ay binigyan ng bansag na katulad ng male organ dahil sa hugis at kulay nito.
Ang bawat isa ay lumalaki ng hanggang 10 pulgada.
Sinasabing ang malakas na winter storm ang nakaapekto sa mga ito para lumitaw sa dagat kaya natangay ng alon.
Nakita ang karamihang “penis fish” sa Drakes Beach, na may layong 50 milya sa hilagang bahagi ng San Francisco.
“Thousands of these marine worms—called fat innkeeper worms, or “penis fish”—were found on Drake’s Beach last week! These phallic organisms are quite common along the West coast of North America, but they spend their whole lives in U-shaped burrows under the sand, so few beachgoers are aware of their existence. A recent storm in Northern California brought strong waves that washed away several feet of sand from the intertidal zone, leaving all these fat innkeeper worms exposed on the surface. Next time you go to the beach, just think about the hundreds of 10-inch, pink sausages wiggling around just a few feet under the sand,” saad ng post mula sa Bay Nature.