-- Advertisements --
Positibo ang grupo ng mga volunteers na magiging matagumpay ang mga ito sa tuluyang pagtatanggal ng mga basura na iniwan ng mga umaakyat sa Mt. Everest.
Ayon sa Everest Summiteers Association, malaki umano ang epekto ng pagbuhos ng mga turista sa Mt. Everest taon-taon.
Ilan sa mga basurang nakuha ng Everest Cleaning Campaign ay mga lata, bote, plastic at mga itinapon na climbing gear. Tumulong din ang isang army helicopter upang tanggalin ang mga nasabing basura.
Ayon naman sa mga otoridad, apat na bangkay ang narekober nila mula sa bundok.
Sa ngayon ay maganda raw ang nakikitang resulta ng mga volunteers sa nasabing paglilinis dahil halos tatlong toneladang basura na ang nakolekta ng mga ito sa loob lamang ng dalawang linggo.