-- Advertisements --

Sasailalim sa lockdown ang Tonga matapos ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Prime Minister Siaosi Sovaleni na nagmula ang pagkalat ng virus sa dalawang empleyado ng pier at nahawaan na nila ang kanilang mga kaanak.

Isa ang Tonga sa nakakontrol ng virus kung saan noong 2020 ay agad nilang isinara ang border kaya nanatiling virus-free ito.

Sinasabing nagmula ang virus sa Nuku’alofa ng dumating ang mga tulong mula sa ibang bansa.

Kasalukuyan kasing nagre-recover ang nasabing bansa mula sa pagsabog ng underwater volcano nitong Enero.