-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang Pacific island na Tonga.

Ayon sa US Geological Survey, na mayroong lalim ang lindol na 90 kilometero na ang sentro ay sa southeast ng Pangai na ito ay naramdaman din sa isla ng Niue.

Ibinabala ng US tsunami warning system na maaaring magdulot ng 0.3 hanggang isang metro na taas ng tubig.

Binalaan na rin ng Tonga national disaster agency ang mga residente na iwasan ang pagtungo sa mga karagatan dahil sa banta ng tsunami.

Normal na tinatamaan ng lindol ang Tonga dahil sa ito ay matatagpuan sa seismic Ring of Fire na ito ay umaabot mula sa Southeast Asia hanggang Pacific basin.