-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Pasay Regional Trial Court na arestuhin ang social media personality na si Toni Fowler dahil sa umano’y paglabag nito sa Cybercrime Prevention Act kaugnay ng inilabas nitong music video.

Ayon sa ulat, nakatakdang magpiyansa si Fowler sa Pasay RTC Branch 108.

Matatandaang umani ng sari-saring reaksyon ang inilabas na music video ni Fowler dahil sa adult contents nito. Ayon naman sa social media personality ay hindi ito para sa universal audience.

Nagbigay rin ng komento ukol dito ang Movie and Television Review and Classification Board na bibigyan umano nila ng Rated X ang naturang music video kung dumaan ito sa kanilang ahensya.