-- Advertisements --

Isinilang na ng tv-host actress Toni Gonzaga ang ikalawang anak nila ng asawang si Paul Soriano.

Sa kaniyang social media account ay ipinakilala ni Toni ang baby girl.

Pinangalanan nila siya na si Baby Paulina Celestine na isinilang sa St. Lukes’s Hospital sa Bonifacio Global City, Taguig nitong Agosto 11.

Magugunitang noong Hunyo 2023 na ianunsiyo nila ang pagbubuntis ng actress na kasunod ng panganay nila na si Seve.

Bumuhos naman ng pagbati mula sa kanilang mga fans at kasamahan sa showbiz.