-- Advertisements --
Lubos na nagpapasalamat ang singer-actress Toni Gonzaga matapos na mapiling kakanta ng national anthem sa inauguration ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi nito na isang karangalan aniya itong maituturing dahil sa masaysayan ang nasabing kaganapan.
Minsan lamang aniya ito mangyayari sa kaniyang career kaya tiniyak niya na gagawin niya ang makakaya para makanta ng tama ang nasabing pambansang awit.
Tiniyak naman ng actress na kanilang susuportahan ang anumang programa ni incoming President Marcos.