-- Advertisements --
Kinumpirma ni Toni Gonzaga na ito ay nagdadalang tao muli.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang naganap na baby shower na inorganisa ng kaniyang mga kaibigan.
Ilan sa mga malapit na kaibigan nito ang dumalo gaya nina Mariel Padilla, Camille Villar, kapatid nitong si Alex Gonzaga at iba pa.
Bumuhos naman ng pagbati mula sa kaniyang followers at mga fans.
Taong 2015 ng ikasal ang tv host-singer sa director na si Paul Soriano at mayroon na silang anak na anim na taong gulang na si Seve.