Thankful pa rin daw si Toni Gonzaga sa kabila ng pagkatalo ng amang si Carlito “Bonoy†Gonzaga sa mayoral race ng Taytay, Rizal, sa ginanap na 2019 midterm elections nitong May 13.
Ayon sa 35-year-old TV host/actress, tanggap din ng kanyang ama at resulta lalo’t matagal na itong nasa public service kaya nasanay na sa mundo ng politika.
“Prepared kami (family namin) sa outcome from the very start… And my dad did his best. He fought a good fight, he fought clean,” ani Gonzaga sa press con ng kinatatampukang sit com.
Makabuluhan din ang naging pahayag nito na ang mahalaga ay buhay pa ang kanilang ama at kasama pa rin nila ito.
“After everything that he has been through and what we have witnessed the whole campaign, the only thing that we are grateful for is that my dad is still alive. And he’s still with us. And he’s happy with his family,” dagdag nito.
Si Bonoy ay nagsilbing vice mayor ng Taytay bago tumakbo sa pagka-alkalde.
Gayunman, ang katunggali nitong si Joric Gacula ang nanalong Taytay mayor.
Samantala, nilinaw ni Toni o Celestine Cruz sa tunay na buhay na ikinagulat nito na kabilang siya sa mga naimbitihan sa isinagawang private dinner kamakailan sa Malacañang.
“Hindi rin namin alam kung bakit kami ‘yung mga napili na dumating because I wasn’t active during the whole campaign nung presidential, hindi ako nangampanya. Kaya nagulat din ako,†bahagi ng kuwento ng misis ni Direk Paul Soriano.