Wala na umanong magagawa si Tony Labrusca laban sa kanya-kanyang judgement ng mga tao laban sa kanyang tunay na sekswalidad.
Ayon sa 25-year-old Fil-Am actor, “frustrated” na siya dahil laging kinukuwestiyon kung siya ba ay bading, sa halip na bigyang-pansin ang marami niyang accomplishment sa career.
Hindi aniya siya homosexual o yaong nagkakagusto sa kaparehong kasarian, pero tiyak na hindi pa rin daw titigil sa pag-usisa ang iba.
“Even if I said I wasn’t gay, the people who think I am gay are going to keep on believing that I’m gay. There is nothing I can do that would change their mind, because they think that I dated this person, or they think that I had sex with this person, because this tabloid said that,” bahagi ng pahayag nito sa kanyang video blog.
Kung maaalala, naging kontrobersiyal si Labrusca noong January 2019 matapos mapaulat ang pagmumura at paninigaw umano niya sa Immigration officers sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport.
Si Tony ay anak ng artista ring si Boom Labrusca sa modelo at dating karelasyong si Angel Jones.
Nabatid na maliban sa pagiging laman ng ilang “blind items,” usap-usapan ang pagkakaron daw nito ng boyfriend at na-link pa noon sa kapwa aktor na si Alex Diaz.