Itinakbo sa pagamutan si Tony Yang ang nakakulong na Chinese national na inakusahan na financer ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).
Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) , nitong Lunes ng dinala si Yang sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Pasado ala-una ng hapon ng inireklamo niya ang pananakit sa dibdib kung saan may bahid pa ng dugo ang kaniyang panyo.
Na-diagnosed si Yang ng tuberculosis at chronic obstructive pulmonary disease.
Matapos ang gamutan ay agad naman itong pinabalik sa kusotodiya ng PAOCC.
Si Yang ay kapatid ng dating economic adviser ni ex-President Rodrigo Duterte na si Michael Yang.
Noong Setyembre 19, 2024 ng maaresto si Yang sa Ninoy Aquino International Airport matapos na tangkang tumakas.
Sa isinagawang Senate inquiry ay inamin niyang iligal itong nakakuha ng Filipino citizenship para makapagpatayo ng kaniyang negosyo sa bansa.