-- Advertisements --

Hindi nakapagtimpi si Sen. Jinggoy Estrada na mapagsabihan ang Chinese national na si Tony Yang.

Ito’y makaraang makaraang tanungin nito si Yang kung sino ang pulis na nagbenta sa kaniya ng baril.

Hindi ito nasagot ng banyaga dahil hindi raw siya nakakaunawa ng saling Filipino at English.

Pero ayon sa senador, batid niyang marunong si Yang magsalita ng Tagalog at Cebuano, lalo’t nasa 25 taon na ito sa Pilipinas.

Naniniwala si Estrada na nagdadahilan lamang si yang para hindi lubos na mabulgar ang mga illegal activities nito sa ating bansa.