Ipina-contempt ng House Quad Committeesi Tony Yang.
Ang nasabing hakbang ni Laguna Rep. Dan Fernandez ay hindi na kinontra ng mga mambabatas.
inaprubahan din ang motion ni Manila Rep. Bienvenido Abante na makulong sa Quezon City Jail si Yang.
Bago kasi ang mosyon ay makailang beses na tinanong ni Fernandez si Yang kung kilala niya ang negosyanteng si Allan Lim na sinasabing kasosyo nito sa rice milling business sa Cagayan de Oro subalit itinatanggi ito ni Yang.
Dahil sa palaging itinatanggi ni Yang ang mga isyu na nais linawin ng mga mambabatas kaya nagpasya sila na ma-cite in contempt na lamang ito.
Magugunitang noong Setyembre 19 ng maaresto si Yang dahil sa mission order na pag-aari niya ang Philippine Sanjia Steel Corporation na ang bodega na itinayo noong 2018 sa Cagayan de Oro kasabay ng POGO hubs sa Bamban, Tarlac at sa Porac, Pampanga.
Kapatid siya ni dating presidential economc adviser Michael Yang na itinuturong nasa likod ng mga malawakang crime network sa bansa.