-- Advertisements --

Naghain ang National Bureau of Investigation (NBI) ng 16 na criminal complaints laban kay Yang Jianxin ang kapatid ni dating economic adviser Michael Yang.

Ayon sa Inter-Agency Council Against Trafficking, nahaharap si Yan Jianxin o kilala bilang si Antonio LIm y Maestrado,Antonio M. Lim, Tony Lim, Tony Yang ng mga kasong falsification, perjury at paglabag sa Commonwealth Act 142 o Anti-Alisa Law.

Inihain ang reklamo sa Office of the City Prosecutor ng Cagayan de Oro noong Oktubre 17, 2024.

Magugunitang noong Setyembre 19, 2024 ng maaresto ng Bureau of Immigration si Yan Jianxin at ito ay iniharap sa senado at House of Representatives sa pag-iimbestiga sa human trafficking at iligal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Dagdag pa ng IACAT na ang 16 na reklamo ay sasailalim sa preliminary investigation at inaasahan nilang mas maraming reklamo ang maisasampa sa mga susunod na aray.