LEGAZPI CITY – Aminado ang Bicolano na Top 1 sa September 2023 Social Worker Licensure Exam na maraming bagay siyang isinakripisyo upang matuloy ang pagkuha ng kursong Social Work.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Patricia Marie Imperial, noong senior high school siya ay kumuha siya ng kursong Science Technology Engineering Mathematics subalit nararamdaman niya na nais niyang kumuha ng may kinalaman sa psychology asin public service.
Dahil dito ay ipinagpatuloy niya ang pag-apply sa Social Work hanggang sa matanggap sa University of the Philippines Diliman, kung saan nagtapos siya bilang Summa Cum Laude.
Ipinagpatuloy umano niya ang kurso kahit pa ang kapalit nito ay ang pagbitaw niya sa scholarship mula sa Department of Science and Technology.
Aniya, hindi naman niya pinagsisihan ang naging desisyon na pagtalikod sa financial assistance dahil naging maganda naman ang resulta nito.
Dagdag pa ni Imperial na plano niya ngayon na mag-direct practice dahil sa pagnanais niya na mas maunawaan ang suliranin ng mga kababayang Pilipino at at matulungan ang mga ito.
Batid umano niya na malawak ang papel na kanilang gagampanan sa mundo ng social work.