-- Advertisements --

COTABATO CITY — Matinik man, nahuli pa rin ng mga kapulisan ang tinaguriamg Top 10 BARMM’s most wanted suspect nansi Arvin Barani, 28 taong gulang residente ng Baryo Semba, DOS sa Maguindanao Norte.

Naaresto ito sa bisa ng mandamiento de aresto sa Barangay Poblacion Dalican sa nasabi ding bayan.

Sa panayam sinabi ni Datu Odin Sinsuat Police Lt. Col. Sahibon Mamantal, matagumpay na nasukol ang suspek habang nagaabang ng pampasaherong van sa nasabing barangay.

Naaresto ito sa pinagsanib na pwersa ng PIU MDN, OFC, 2MP 1PMFC MDN at ang PIDU MDB.

Ang suspek ay kasama bilang Top 10 most wanted personality sa lebel ng rehiyon, Top 6 sa lebel ng probinsya at top 9 naman sa lebel na pambayan dahil sa pagkakasangkot ng suspek sa pangangarnap, motor riding syndicate at ilegal na droga.