-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nanatili sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU) habang hinahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa subject ng isinagawang drug buy bust operation sa lungsod ng Batac.

Nakilala ang suspek na si Yassin Papandayan y Pecpec, 20-anyos, binata, helper at residente ng Brgy.3-Cangrunaan, Batac City.

Ayon kay PLt. Jackson Sugayen, tagapangasiwa ng PDEU, ang suspek ay TOP 10 sa Regional Priority List at Target ng PDEA.

Aniya, naaresto ang suspek sa Brgy. Bil-loca ang suspek matapos magbenta ng iligal na droga sa Brgy. Cangrunaan.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na nagamait sa transaksyon, dalawang libong piso na buy bust money, isang plastic sachet na naglalaman ng anim na sachet ng hinihinalang shabu, cellphone at pouch.

Kaugnay nito, nalaman na aabot sa 20,000 ang halaga ng mga nakumpiksang shabu.