CAUAYAN CITY- Nagkatotoo ang hinala ni Atty. Mario Narag ng Narag Law Office sa City of Las Piñas, na mapapabilang sa top 10 ang kanyang paralegal na si Atty. Princess Fatima Parahiman.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Narag na anim na buwan pa lamang si Atty. Parahiman sa kanilang Law Office ay nakakitaan na niya ng kagalingan.
Sinabi niya na sa interview pa lamang ay hinulaan na niyang mapabilang sa top 10 si Parahiman.
Anya si Atty. Fatima Parahiman ay nagtapos ng pagka-abogasya sa University of the East at nagtapos bilang Cum Laude sa kursong Economics sa University of the Phils. Diliman.
Sinabi pa ni Atty. Narag na kahit hindi pa pumasa si Parahiman ay nakakitaan ng pagiging organized sa kanyang mga gawain, magaling sa research at magaling gumawa ng pleading sa court of appeals kaya alam niyang mapabilang ang kanyang paralegal sa top 10.
Si Atty Fatima Parahiman ay Number 2 sa 2019 bar exams na ipinalabas ang resulta ngayong araw.