-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Itinuturing na isang high value target sa illegal drugs ng pulisya ang napatay na suspek sa buy-bust operation sa Purok 2, Barangay Crossing Palkan, Polomolok South Cotabato.

Ayon kay P/LtC. Marvin Dua-Dua, hepe ng Polomolok Municipal Police Station na nanlaban umano ang suspek na kinilalang si Taogan Usman Vicente, 38 anyos, vendor, na taga Barangay Sadsalan, Lambayong, Sultan Kudarat sa operasyon.

Aniya, positibong nakabili ang police poseur buyer ng isang sachet ng suspected shabu sa suspek ngunit ng napansin nitong pulis ang katransaksyon ay bigla itong bumunot ng baril kayat napilitan umanong paputukan ng mga otoridad.

Isinugod ito sa pagamutan dahil sa natamong tama ng baril subalit idineklarang dead on arrival.

Samantala nakatakas naman ang kasama ng suspek sakay ng motorsiklo.

Maliban sa isang sachet na nabili mula sa suspek, narekober sa posisyon nito ang apat na medium size at 19 small size na sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P80,000.00 pati baril at mga bala.