Kinilala ng Bureau of Customs ang Top 20 importers sa bansa na patuloy na sumusunod sa mga regulasyon at proseso ng BOC- NAIA.
Sa naging pahayag ni District Collector Yasmin O. Mapa , ang pagkilalang ito ay layon na magsilbing huwaran ang mga importers na dumadaan sa BOC-NAIA,.
Nangunguna ang isang kilalang kumpanya at manufacturer ng cellphone bilang top importer para sa taong 2023.
Nakapag ambag ito ng aabot sa kabuuang higit P2.7 billion pesos.
Sinusundan naman ito ng isang kilalang telecommunication company sa bansa, maging ng isang kilalang fashion company .
Samantala,nagpaabot naman ng pasasalamat si Mapa sa pamunuan ng BOC NAIA dahil sa hindi nito matatawarang serbisyo at patuloy na paglilingkod ng sa gayon ay maging maayos ang koleksyon ng taripa sa NAIA