-- Advertisements --
Binawi ng organizer ng Beijing marathon ang mga medalya at premyo ng top three finishers.
Kasunod ito sa imbestigasyon na hinayaan ng tatlong African athletes na manalo si Chinese star runner He Jie.
Sa kumalat na video ay makikitang sina Robert Keter at Willy Mnagat ng Kenya kasama si Dejene Hailu ng Ethiopia na sinadyang bagalan ang pagtakbo ilang metro bago ang finish line.
Dahil sa nasabing kontrobersiya ay binawi na ang mga trophies, medals at bonuses.
Matapos ang kontrobersiya ay tiniiyak ng Chinese Athletics Association na kanilang aayusin na ang mga gaganapin nilang marathon.