Inanunsiyo na ng Miss Universe Philippines ang Top 3 winners sa Best in National Costume ngayong taon na ginanap sa Sultan Kudarat Gymnasium and Cultural Center.
Mula sa 53 kandidatang nagpasiklaban sa national costume competition, mas nangibabaw ang malikhaing national costume nina Tamara Ocier ng Tacloban, Alexie Brooks ng Iloilo, at Jet Hammond ng Southern California.
Ang national costume ng Miss Universe PH 2024 ay may temang hango sa “Philippine Flora and Fauna” kung saan ipinamalas ng mga kandidata ang kamangha-manghang talento ng mga Pilipino pagdating sa disenyo at pagkamalikhain.
Ang national costume ni Ms. Tacloban ay idinisenyo ni Charlotte Rodriguez na inspired ng sun goddess na may kombinasyong Monitor lizard ng Tacloban na tinatawag na Halo ng locals.
Ipinamalas naman ni Ms. Iloilo ang spider-inspired national costume nito na base sa “Ugto-ugto” na isang salitang Ilonggo para sa orb-weaved spider na gawa ni Tata Blas-Pinuela.
Habang inirampa naman ni Ms. Southern California ang national costume na inspired sa Tubbataha reef na dinisenyo ni Ehrran Montoya.
Ang bawat nagwaging kandidata naman ay makakatanggap ng P100,000 cash.
Pinsalamatan naman ng Ms. Universe PH organization ang lahat ng delegates at ang provincial government ng Sultan Kudarat sa pamumuno ni Gov. Datu Pax Mangudadatu para sa naturang memorable event.
Nakatakda namang ganapin ang Ms Universe PH 2024 coronation night sa Mayo 22 sa Mall of Asia arena.
Ipapasa ni reigning Mss universe PH michelle Dee ang korona sa kaniyang successor na kakatawan sa PH sa Ms Universe stage na gaganapin naman sa Mexico.