-- Advertisements --

LA UNION – Nai-turnover na sa Quezon City Police District Station 2 sa NCRPO ang Top 4 Most Wanted Person, matapos masakote ng mga otoridad sa Bangar, La Union sa pangunguna ni PCapt. Antonio Dasalla Jr. acting chief-of-police ng Bangar Police Station.

Nakilala ang suspek na si Imeljoe Divinagracia, 27, tubo ng San Francisco del Monte, Quezon City ngunit nahuli sa lugar na pinagtaguan ng mahigit isang taon, sa Barangay Central East #2, Bangar, La Union.

Nahuli ang suspek alinsunod sa warrant of arrest na may petsang June 28, 2019 dahil sa kasong panggagahasa at paglabag sa RA 7610 section 5 o Acts of Lasciviousness, na umano’y nangyari noong 2018.

Ayon kay Capt. Dasalla, halos P200-k ang inirekomendang piyansa ng suspek para sa kasong Acts of Lasciviousness ngunit hindi bailable ang kaso nitong rape.

Ang suspek ay nasa custodiya na ngayon ng QCPD Station 2.