CEBU CITY – Hindi umano makapaniwala at nahihirapang makatulog si Marc Restie Laput matapos nalamang nag-top 6 ito sa inilabas na resulta ng April 2024 Registered Electrical Engineers Licensure Examination.
Gayunpaman, sinabi nitong gusto niya talagang maging bahagi ng top 10 upang maipagmamalaki nito ang sarili sa kanyang pamilya at sa kanyang mga kakilala.
Si Laput na tubong Naga City Cebu at nagtapos bilang Magna Cum Laude sa Cebu Institute of Technology – University ay nakakuha ng rating na 93.05%.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu sa 23 anyos, inamin nito na may mga pagdududa pa umano siyang makapasa sa board exam dahil isa umano siyang produkto ng online class sa loob ng ilang taon dulot ng COVID-19 pandemic at sinundan pa ng bagyong Odette.
Mahirap pa umanong makapag-focus sa mga lecture sa ilalim ng online class lalo na’t nasa bahay lang at may mga distractions.
Maraming pagkakataon din umano itong tinamaan ng sakit bago ang araw ng board exam.
“𝘉𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘥𝘶𝘬𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘰𝘯𝘭𝘪𝘯𝘦 𝘤𝘭𝘢𝘴𝘴, 𝘐 𝘳𝘦𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘥𝘰𝘶𝘣𝘵𝘴 𝘪𝘧 𝘐 𝘤𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘴𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘰𝘱 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘣𝘰𝘢𝘳𝘥 𝘦𝘹𝘢𝘮 𝘣𝘶𝘵 𝘭𝘶𝘤𝘬𝘪𝘭𝘺 𝘐 𝘮𝘢𝘥𝘦 𝘪𝘵 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘮𝘺 𝘦𝘧𝘧𝘰𝘳𝘵 𝘢𝘯𝘥 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘨𝘶𝘪𝘥𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘢𝘤𝘩𝘦𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘦 𝘊𝘐𝘛-𝘜𝘯𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘪𝘵𝘺. 𝘛𝘩𝘦𝘺 𝘳𝘦𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘨𝘢𝘷𝘦 𝘲𝘶𝘢𝘭𝘪𝘵𝘺 𝘦𝘥𝘶𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯, ” saad ni Laput.
Ibinahagi din nito na bahagi ng kanyang preparasyon para makapag-focus sa pagrereview ay ang pag-iwas sa mga video games at social media apps.
Sa katunayan pa aniya, nag-uninstall ito ng mga social media apps para maiwasan ang mga distractions habang nagre-review.
Payo pa nito sa lahat na may mga gustong maabot sa buhay ay kailangan lang umanong mag sakripisyo at magfocus at iwasan ang mga distractions.
“𝘔𝘢𝘬𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘭𝘪𝘵𝘵𝘭𝘦 𝘴𝘢𝘤𝘳𝘪𝘧𝘪𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘨𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘦𝘹𝘵𝘳𝘢 𝘮𝘪𝘭𝘦. 𝘐𝘧 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘢𝘤𝘩𝘪𝘦𝘷𝘦 𝘪𝘯 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘪𝘧𝘦, 𝘧𝘰𝘳 𝘦𝘹𝘢𝘮𝘱𝘭𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘵𝘰 𝘵𝘰𝘱 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘰𝘢𝘳𝘥 𝘦𝘹𝘢𝘮, 𝘺𝘰𝘶 𝘳𝘦𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘴𝘢𝘤𝘳𝘪𝘧𝘪𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘵𝘰 𝘧𝘰𝘤𝘶𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘢𝘷𝘰𝘪𝘥 𝘥𝘪𝘴𝘵𝘳𝘢𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴,” dagdag pa nito.
Sa ngayon, sinabi pa ng binata na bilang DOST at Aboitiz power distribution scholar, plano pa niyang mag-render ng serbisyo doon at palaguin ang kanyang career.