Tumindi pa ang karahasan sa pagitan ng Israeli at militanteng grupo matapos ang airstrike ng Israel sa Gaza strip.
Nasa mahigit 100 rockets ang pinakawalan ng Palestinian Islamic Jihad (PIJ) bilang ganti sa Israel.
Karamihan dito ay na-intercept ng Iron Dome missile defense shield ng Israel.
Ito na ang worst escalation ng karahasan mula nang mangyari ang giyera noong nakalipas na taon.
Ayon sa Health authorities, umabot na sa 10 katap ang napatay sa airstrike ng Israel kabilang ang top commander ng militanteng grupo at isang batang babae habang dose-dosena naman ang naitalang sugatan.
Ayon kay Israeli Prime Minister Yair Lapid, nag-ugat ang panibagong karahasan sa lugar matapos na pwersahang ilunsad ng Jewish state ang isang pre-emptive counter-terror operation laban sa banta ng Palestinian Islamic Jihad (PIJ) ilang araw matapos na maaresto ang isa sa kanilang miyembro ngayong linggo.