-- Advertisements --

Nagbitiw na umano sa kanyang puwesto ang top diplomat for Latin America ng Trump administration dahil pa rin sa hindi pagkakasundo sa immigration policy sa rehiyon.

Lumutang sa balita ng Washington Post na ang impormasyon ay nagmula sa dalawang opisyal at isang congressional aide na nagsabing bumaba sa puwesto si Assistant Secretary of State for Western Hemisphere Affairs Kimberly Breier nitong linggo.

Si Breier ang ikalawang senior State Department official na umalis din sa administrasyon ngayong buwan.

Noong nakaraang linggo lamang si Kiron Skinner, ang department’s director of policy planning, ay tinanggal sa puwesto dahil umano sa reklamo sa kanyang management style.

Sa kaso naman ni Breier binanggit nito ang “personal reasons” sa kanyang desisyon.

Pero kinontra ito ng ilang sources dahil may kinalaman daw ang pagbitaw sa tungkulin sa hindi pagkakasunod sa migration policy sa Guatemala.