Nagpulong ang mga top diplomats at defense, and security officials ng Pilipinas at Estados Unidos sa ginanap na 3+3 Meeting nito sa US State Department,..
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ng naturang mga matataas na opisyal ay ang usapin sa mas tumitindi pang tenyon sa West Philippine Sea dulot ng mga agresibong aksyon ng China.
Sa kaniyang opening remarks ay ininahayag ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ang kanilang naging pagpupulong ay makakatulong Para sa mas maganda at maayos na pagtugon, pagdating sa diplomatiko at defense and security fronts pagdating sa mga panghaharass ng China sa West Philippine Sea.
Kasabay nito ay nagpahayag din ng pag-asa si Manalo na ang pagpupulong na ito ay magiging regular, at Mas magpapaigting pa s Bilateral Strategic Dialogue, gayundin ang pagsasagawa ng maritime dialogue.
Kasabay nito ay binigyang-diin din ng opsyal ang kahalagahan ng mas pagpapatibay pa sa clarificatory discussions ng Mutual Defense Treaty.
Samantala, sa panig naman ng US Secretary of State Antony Blinken sinabi nito na ang naturang pagpupulong ay mas nagpapalalim pa sa cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na kapwa may shared commitment sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific Region kabilang na ang West Philippine Sea.