-- Advertisements --
China US Blinken Yi

Umagaw nang atensiyon sa ginaganap na unang high level talks sa pagitan ng Amerika at China ang mainit na palitan ng akusasyon ng kanilang mga top officials.

Ang face off ng mga opisyal ni US President Joe biden ay kinabibilangan nina US Secretary of State Antony Blinken at national security adviser Jake Sullivan habang sa panig naman ng China ay ang kanilang most senior foreign policy official na si Yang Jiechi at Foreign Minister Wang Yi.

Sa opening statement pa lamang, agad na binatikos ng top diplomat ng US na si Blinken ang mga kwestyunableng aksiyon ng China sa Xinjiang province ukol sa Uyghur people, sa Hong Kong, Taiwan, ang cyber attacks sa Amerika at panggigipit daw sa ilang mga bansa.

Ang ganito raw na mga aksiyon ay nagdudulot lamang ng banta sa global security at “rules based order.”

“Our deep concerns with actions by China, including in Xinjiang, Hong Kong, Taiwan, cyber attacks on the United States, economic coercion of our allies,” ani Blinken. “Each of these actions threaten the rules-based order that maintains global stability.”

Hindi naman nagpatinag ang kampo ng China at bumuwelta rin sa Amerika, sa pagsasabing inaabuso nito ang pagiging makapangyarihang bansa.

Kung tutuusin daw ang isyu sa human rights sa Amerika ay hindi rin maganda at maraming nabibiktima na black Americans.

Umalma rin ang mga Chinese officials sa hindi raw pagsunod sa protocols ng kanilang US counterparts.

Kasabay nito, nilinaw naman ni Sullivan, hindi naman hangad ng US na makipag-away sa China kundi tinatayuan lamang nila ang prinsipyo at pagtatanggol sa kanilang mamamayan at mga kaalyado.

Sinasabing umabot ng isang oras ang naturang banggaan ng maaanghang na salita ng magkabilang panig sa harap ng world media.

Yang Jiechi China
Chinese senior foreign policy chief Yang Jiechi
Blinken US diplomat
US Secretary of State Antony Blinken