Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagbiyahe patungong Moscow, Russia para maghanap ng mga posibleng kagamitan para mas padali ang modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Bago pa man tumulak patungong Russia ang grupo ni Lorenzana, nakipagpulong muna ito kay US Assistant Defense Secretary Randall Schriver ng bumisita ito sa bansa.
Kasama ni Lorenzana sa biyahe sa Russia ngayon ay si Defense Undersecretary for finance and materiel Raymundo Elefante.
Habang nasa Moscow ang grupo ni Lorenzana, nakatakdang bisitahin ng mga ito ang ilang key Russian military and naval facilities para maghanap ng warhsips at iba pang mga kagamitan.
Magkakaroon din ng pagpupulong ang kalihim sa mga opisyal ng Russian defense department.
Una ng nilinaw ni Lorenzana na nasa proseso pa lamang sila sa pag-aaral lalo na ang pagbili ng submarine.
Ayon naman sa isang mataas na opisyal ng militar, nag-alok ang Russia ng soft loan sa Pilipinas para makatulong sa modernization program ng AFP.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng US defense official na dapat pag-isipan at pag-aralang mabuti ng Philippine government ang pagbili ng Russian submarine.