Makakatanggap pa rin ng sahod ang mahigit 70 mga Pinoy na nagtatrabaho sa isang electronics company sa Taipei, Taiwan na nakaquarantine ngayon matapos nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Bombo International Correspondent Dr. Reymand Dumala-on direkta sa Taiwan, nakalockdown ngayon ang nasabing Taiwanese semiconductor supplier na tinuturing na leading chip testing service provider sa buong mundo.
Napag-alaman na 77 mga empleyado ang nagpositibo sa COVID-19 at 73 sa kanila ay mga Pinoy.
Ang nasabing kumpaniya ay may 7,300 na mga empleyado na isinailalim lahat sa swab test.
Sinabi ni Dumala-on nga pinatigil muna ang produksyon ng kompaniya habang nakaquarantine na ang lahat ng nagpositibo sa COVID-19 na mga empleyado.
Napag-alaman na ito ang pinakaunang Taiwanese tech supplier na malubhang naapektuhan ang produksyon dahil sa pandemya.
Una nang isinailalim sa alert level 3 ang Taipei, Taiwan noong nakaraang buwan at maaring magtagal ito hanggan sa katapusan ng buwan dahil sa paglobo ng COVID-19 cases.