Kinumpirma ni US Secretary of State Mike Pompeo ang pag-resign sa puwesto ni United States Ambassador to China Terry Branstad.
Inabot din ng tatlong taon sa panunungkulan si Branstad at inaasahang pormal na aalis sa puwesto bago ang US presidential elections.
Ipinaabot naman ni Secretary Pompeo ang pagsaludo kay Branstad na naging tulay upang magkaroon ng “rebalancing” ang U.S.-China relations.
Nanghinayang si Pompeo sa pagkalas ni Branstad lalo na at beterano ito sa matagal nang pakikipag-deal sa China.
Si Branstad na dating Iowa governor ay una nang itinalaga ni US President Donald Trump dahil sa naging kabigan din nito si Chinese President Xi Jinping.
“Ambassador Branstad has contributed to rebalancing U.S.-China relations so that it is results-oriented, reciprocal, and fair. This will have lasting, positive effects on U.S. foreign policy in the Asia-Pacific for decades to come,” ani Pompeo sa kanyang social media account. “President Donald Trump chose Ambassador Branstad because his decades long experience dealing with China made him the best person to represent the Administration and to defend American interests and ideals in this important relationship.”
Ang pag-resign ni Ambassador Branstad ay sa gitna rin nang patuloy na tension ng Amerika at China sa ilang mga isyu.
Nitong nakalipas lamang na araw, nagpataw ang China ng ilang restrictions sa mga senior US diplomats at personnel habang nasa kanilang bansa bilang ganti sa ginawa rin ng Estados Unidos.