Mariing itinanggi ni US President Donald Trump na sangkot ito sa pagpapatalsik sa chief federal prosecutor ng Manhattan na si Geoffrey Berman.
Taliwas ito sa sulat na ipinadala ni Atty. Gen. William Barr kung saan nakasaad na ang Republocan presdient umano ang nag-utos na tanggalin si Berman sa pwesto.
Ayon kay Trump, si Barr ang nagdesisyon na tanggalin si Berman at hindi ito.
“Because you have declared that you have no intention of resigning, I have asked the President to remove you as of today, and he has done so,” sulat ni Barr.
Sinabi pa ni Barr na si Deputy U.S. Attorney Audrey Strauss ang pansamantalang tatayo bilang acting chief hanggang sa magkaroon na ng papalit kay Berman.
Ang naturang hakbang ay ginawa makaraang ianunsyo ni Barr na napagdesisyunan umano ni Berman na magbibitiw na ito sa kaniyang pwesto subalit pinasinungalingan lamang ito ng huli.
Dahil dito ay kabi-kabilang kwestyon ang hinarap ng Justice Department hinggil sa pagiging malaya nito mula sa White House.