-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa Iran sa naganap na pagpaslang sa pangunahing nuclear scientist nila.

Si Mohsen Fakhrizadeh ay ikinokonsiderang mastermind ng kontrobersiyal na nuclear program ng bansa ay patay matapos tambangan ang kaniyang sasakyan sa silangang bahagi ng Tehran.

Ayon sa Foreign minister office na itinuturing na isang assasination ang nasabing insidente na kagagawan ng Israel.

Si Fakhrizadeh ay siyang namumuno ng research center ng bagong teknolohiya sa elite Revolutionary Guards.

Nagbabala naman si Iranian Armed Forces Chief of Staff Major General Mohammad Bagheri, na sila ay gaganti kapag matukoy ang sinumang nasa likod ng insidente.