-- Advertisements --

LAOAG CITY – Tagumpay na nahuli ng Philippine National Police (PNP) ang Top Most Wanted person dito sa Ilocos Norte.

Ang akusado 28-anyos, binata, magsasaka at residente ng Barangay Salbang sa bayan ng Paoay.

Nahuli ang akusado sa bayan ng Paoay sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng pinagsamang puwersa ng PNP-Paoay a pamumuno ni Police Lt. Rodel C. Baradi, ti Officer-In Charge sa nasabing bayan, kasama nila ang PIDMU at PIU INPPO.

Nabatid na ang akusado ay nahaharap sa 2 counts of rape at walang inirekomenda na piyansa.

Sa ngayon ay nanatili ang akusado sa kustudiya ng PNP sa bayan ng Paoay.