-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sumuko sa mga otoridad ang isang mataas na lider ng New Peoples Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala itong si Lilia Cagulada Gecana alyas Commander Ligaya, 63 anyos, namuno sa NPA Guerrilla Front 72 at Gabriela Malabuan cluster.

at residente ng Barangay Malabuan Makilala Cotabato.

Si Kumander Ligaya ay may warrant of arrest sa kinakaharap na kasong Multiple Attempted Murder na may 120,000 pesos na recommended bail bond mula sa Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 23 sa Kidapawan City.

Sumuko si Gecana sa pulisya katuwang ang militar at mga opisyal ng Barangay.

Sinabi ni Makilala Chief of Police Major Arniel Melocotones na una ng nagpadala ng mensahe si Kumander Ligaya sa PNP sa pamamagitan ng text message na nais na nitong sumuko at magbagong buhay.

Sa ngayon, nasa kustudiya na ng Makilala Municipal Police Station si Kumander Ligaya at kakaharapin ang kasong isinampa laban sa kanya.