-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Sumuko ang isang Top leader ng New people’s Army (NPA) at aabot sa 20 mga supporters ng NPA sa bayan ng Burauen, Probinsya ng Leyte.
Ayon kay Lt. Col Rolando Oba-ob, Commanding officer 7th IB, malaking kawalan sa rebeldeng NPA ang sumukong top leader lalo pa at isa itong commander at may posisyon pa raw sa financial department.
Napilitang sumuko raw ang naturang top NPA official dahil na rin sa hirap ng pamumuhay sa bundok.
Sumuko rin sa militar ang nasa 20 miyembro ng rebeldeng grupo.
Ayon kay Oba-ob na sa harapan ni Municipal mayor ng Burauen, Leyte ay nangako ang mga ito na titigilan na ang pagsuporta sa makaliwang grupo.
Karamihan naman sa mga sumukong NPA supporter ay nasa edad 20 pababa.