-- Advertisements --

ILOILO CITY – Darating sa lungsod ng Iloilo ang mga top officials ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH)-Central Office ngayong araw.

Kasunod ito ng desisyon ng pitong mga pribadong ospital sa lungsod na hindi magrenew ng accreditation sa PHILHEALTH sa 2022 dahil sa milyun-milyong hospital claims na hindi binabayaran ng state insurer.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Councilor Allan Zaldivar, chair ng Committee on Health sa Iloilo City Council, sinabi nito na may meeting pa ang mga private hospitals kasama si Iloilo City Mayor Jerry Treñas.

Inaasahan ayon sa konsehal na sa pamamagitan ng meeting, magising sa katotohanan ang Philhealth-Central Office na may obligasyon ito sa mga ospital hindi lamang sa Iloilo kundi maging sa ibang lugar sa bansa.