-- Advertisements --

Kinumpirman ng Pentagon na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa kanilang top official na si retired Army Brig. Gen. Anthony Tata.

Ang pagpositibo ni Tata sa deadly virus ay makaraan ang pulong niya sa Lithuanian minister of defense.

gen anthony tata

Ayon sa Pentagon spokesman Jonathan Hoffman nakipagharap umano si Tata sa Lithuanian Minister of Defense Raimundas Karoblis noong nakaraang Biyernes.

Si Karoblis ay nagpositibo naman sa COVID-19 batay naman sa ulat ng Lithuanian Embassy.

Dahil sa pangyayari ang retired general ay pansamantala munang mag-isolate sa kanilang bahay sa loob ng 14.

Ilan pang Pentagon leaders ang nakasalamuha rin ni Karoblis kabilang na si acting Defense Secretary Chris Miller, secretaries ng Army at Air Force at ang secretary ng Navy.