Kapwa natapos na ng kampanya sa US Open ng dalawang sikat na tennis star na sina Carlos Alcaraz at Naomi Osaka.
Tinalo ni Botic van de Zandschulp ng The Netherlands sa second round ng torneo.
Habang si Osaka ay tinalo ni Karolina Muchova ng Czech Republic.
Nakuha ng Dutch tennis star ang 6-1, 7-5, 6-4 na score para tuluyang tapusin ang Spanish tennis star na si Alcaraz.
Habang ang number 52 na si Muchova ay nakuha ang 6-3, 7-6 (7-5) na panalo laban kay Osaka.
Inamin ni Alcaraz na nahigitan siya ng kaniyang nakaharap na unseeded na si van de Zandschulp.
Hindi rin itinanggi ni Osaka na nagkakaroon pa siya ng adjustments dahil sa ito ang unang pagkakataon na nakapaglaro sa US Open.
Noong nakaraang taon kasi ay hindi ito nakasali matapos na isilang ang panganay na anak.
Susunod naman na makakaharap ni Muchova si Anastasia Potapova ng Russia sa last 16.