Nagkaisa ang mga top political leaders sa bansa para maglatag ng mga istratehiya para sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Ginanap ang pulong kahapon, Lunes ng gabi sa Aguado residence sa Palasyo ng Malakanyang .
Ang nasabing pulong ay batay sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang unang pulong ng mga key leaders mula sa ibat ibang major political parties sa bansa na kasalukuyang nasa ilalim ng “Alyansa para sa Bagong Pilipinas.”
Ang nasabing partnership ay pinangunahan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ang political party ni Pangulong Marcos kabilang dito Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), at National Unity Party (NUP).
Si Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang nanguna sa talakayan kung saan nakatutok ang talakayan sa pagkakaroon ng pagkakaisa, maiwasan ang pagkakaroon ng internal conflicts at siguraduhin na ang koalisyon para sa May 2025 elections ay epektibo.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na maiwasan ang internal conflicts at i maintain ang incumbents equit at siguraduhin na ang interest ng bawat partido ay protektado.
Sa panig PFP, dumalo sa pulong sina Special Assistant to the President Antonio “Anton” Lagdameo Jr., Executive Vice President; South Cotabato Gov. Reynaldo S. Tamayo, president; retired Gen. Thompson P. Lantion, secretary general; at Atty. George S. Briones, legal counsel.
Present naman para sa Lakas-CMD sina Senior Deputy Speaker and Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr.; House Majority Leader and Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, who also serves as the party’s executive vice president; Agusan del Norte 1st District Rep. Jose “Joboy” Aquino II, party’s secretary general; at Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez.
Para sa Nationalista Party dumalo si Sen. Mark Villar, Iloilo 4th District Rep. Ferjenel Biron, at Misamis Oriental 2nd District Rep. Yevgeny “Bambi” Emano.
Sa NPC dumalo si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na siyang Chairman, kasama si secretary general, Presidential Legislative Liaison Office head Secretary Mark Llandro Mendoza.
Dumalo din si Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “L-Ray” Villafuerte, NUP president, at Bataan 2nd District Rep. Albert Raymond Garcia, NUP secretary general.
Kapwa siniguro ng mga political leaders ang kanilang commitment sa alyansa.