-- Advertisements --
image 39

Binigyang diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga top priority programs sa kanyang pagkakatalaga bilang bagong secretary ng nasabing ahensya.

Una niyang inilahad ay ang patungkol sa logistics ng Department of Social Welfare and Development, nais niyang magkaroon ng mas mabilis na disaster response para sa mga nasasalanta ng bagyo at iba pang kalamidad.

Aniya, ito ay labanan ng logistics, imbis umano na magkaroon ng regional warehouse at packing center ay plano nilang magtayo sa mas maliliit na lugar upang mabilis na makarating ang tulong sa malalayong munisipyo, maisasakatuparan umano ito sa tulong ng mga private sectors.

Kasabay nito ay nais rin niyang mabigyang pansin ang mga mahihirap, nabanggit niya ang patungkol sa paglaban sa kagutoman dahil bukod umano sa kahirapan ay ito ang isa sa pinakamalaking problema ng bansa.

Pangatlo naman ay ang educational assistance, magkakaroon raw sila ng pagpupulong ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte patungkol dito.

Tututokan niya rin daw ang tutoring sa mga batang nahihirapan sa pagbabasa sa tulong ng mga 3rd year at 4th year students ng mga state university, kumbaga ang cash assistance ay nais niyang maconvert bilang community service ng sa gayon ay makatulong ito sa mga batang kailangang magkaroon ng matibay na pundasyon sa edukasyon.

Panghuli ay ang programa tungkol sa ease of doing social welfare, nais niyang mapadali ang mga proseso sa kanilang ahensya at maiwasan ang mga uneccessary steps dahil ito ay inconvenient raw para sa mga tao.

Makikipag ugnayan raw ang Department of Social Welfare and Development sa New Zealand Embassy para sa nasabing programa.