-- Advertisements --

Naniniwala ang Iran na ang Israel at ang pinatalsik na opposition group ang gumamit ng remote-control na armas para mapatay ang top nuclear scientist na si Mohsen Fakhrizadeh.

Sinabi ni Iranian security chief Ali Shamkhani, na isang uri ng electronic equipment ang ginamit ng pagbabarilin ang kotse ni Fakhrizadeh sa Tehran.

Hindi naman nagbigay pa ng anumang reaksyon ang Israel sa nasabing usapin.

Magugunitang patay si Fakhrizadeh ng pagbabarilin ang sasakyan nito sa bayan ng Absard sa eastern Tehran.

Taong 2000 ng naging malaking papel ang ginampanan ni Fakhrizadeh sa nuclear program ng Iran subalit itinanggi ng Iran na ito ay isang uri ng mapayapang paraan.