-- Advertisements --

Nasilat ng Minnesota Timberwolves ang Eastern Conference top team na Miami Heat, 113-104.

Bumawi nang panalo ang Wolves na natalo kahapon sa Orlando para iposte ang ika-pitong panalo sa huling walong games.

Nanguna sa Wolves si Jaylen Norwell na may 16 points.

Habang sa Miami ang top scorer ay si Tyler Herro na may 30 points.

Pero hindi nakalaro sina Jimmy Butler, Caleb Martin at Victor Oladipo.

Habang balik na rin si Markieff Morris na nag-ambag ng six points at four rebounds sa 17 minutes na paglalaro.
Inabot din ito sa mahigit apat na buwan bago nakabalik dahil sa injury.
Sa ngayon hawak ng Heat ang 45-24 record, habang ang Minnesota ay nadagdag sa 39-30 ang kartada.