Nangunguna na ngayon ang Utah Jazz bilang top team sa NBA overall lead matapos mabiktima rin nila ang Dallas Mavericks, 116-104.
Nalampasan na ng Jazz ang Lakers sa kanilang best record na 14-7 lalo na sa Western Conference.
Ang panalo ng Jazz ay sa kabila na hindi naglaro ang leading scorer na si Donovan Mitchell.
Nagsama ng puwersa sina Rudy Gobert at Filipino American player Jordan Clarkson upang bitbitin ang team sa kanilang ika-10 sunod na panalo.
Nagpasok si Gobert ng 29 points at season high na 20 rebounds habang si Clarkson ay nagpakitang gilas din sa sariling season-high na 31 points mula sa bench sa loob ng 33 minuto.
Sa simula pa lamang dinomina na ni Gobert ang basket na wala maisagot ang Dallas.
Malaking tulong din ang ginawa ni Joe Ingles na hindi rin nagpahuli sa season-high na 21 points kasama na ang walang humpay na pitong 3-pointers at walong assists.
Sa kabuuan umabot sa 14 na 3-pointers ang naibuslo ng Jazz sa loob ng three quarters kung saan umabot pa sa 25 points ang kanilang kalamangan.
Sa panig ng Mavs walang nagawa ang diskarte nina Luka Doncic na may 30 points, Tim Hardaway, Jr. na nagdagdag ng 19 points at si Kristaps Porzingis na nagtapos sa 18.
Ito na ang ikatlong sunod na talo ng Dallas (8-10).
Aminado si Mavericks coach Rick Carlisle na hindi nila kinaya ang firepower ng Utah sa first half pa lamang.
Para naman kay Clark bilib siya sama-samang teamwork na ipinapakita ng kanyang mga teammates.
“It’s just a crazy feeling and crazy vibe that we have and that we preach here,” ani Calrkson. “We’re all just playing off energy and synergy.”
Samantala, muling magbabanggaan ang magkaribal na team sa Utah sa Sabado.