-- Advertisements --
Humingi na ng paumanhin ang top US military officer matapos batikusin ng sumama kay US President Donald Trump sa kontrobersiyal na paglalakad nito sa nasirang simbahan malapit sa White House.
Inamin ni General Mark Milley, chairman ng joint chiefs of staff, na isang malaking pagkakamali ang ginawa nito dahil dapat hindi ito sumama sa mga kaguluhan sa pulitika.
Itinuturing nito na isang aral ang nangyari at dapat na hindi na ito mauulit pa.
Magugunitang kasama si Milley na naglakad sa harap ng simbahan kung saan hawak ni Trump ang biblya matapos na matagumpay na napaalis ng mga kapulisan ang mga nagsagawa ng kilos protesta malapit sa White House dahil pagkamatay ng black American na si George Floyd.