Hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon ang topnotcher ng 2021 Physician Licensure Examination na si Ian Juyad sa pagiging topnotcher nito na inanunsiyo lang ng Nov. 11, 2021.
Sa Exclusive interview ng Star FM Iloilo kay Ian Gabriel Juyad ng Davao City aniya, “Hindi pa rin ako makapaniwala, ‘yung feeling nanalo sa lotto parang ganoon, pero sobrang sulit, sobrang saya po na lahat ng pinag-aralan ko in the past 5 years, nagbunga po talaga at sobrang happy lang po at sobrang grateful”.
Kasama rin ni Juyad ang mga malalapit na kaibigan na sina Jian Kenzo Leal at Geremiah Edison Daniel Llanes na mula rin sa University of the Philippines- Manila na naging top 2 sa score na parehong rating na nasa 87.42% samantala si Juyad naman ay nakakuha ng 87.50%.
Nasa pangtatlong pwesto naman si Allysa May madriaga na nakakuha ng 87.33% na nagmula sa University of Sto. Tomas at ika-apat na pwesto ay si Rae Erica Samontino na nakakuha ng 87.08% na mula sa Ateneo School of Medicine and Public Health at nasa 5th place naman si Vienne Pinlac na nakakuha ng 87.00% na mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Pinasalamatan rin at inalay ni Ian ang lahat ng kanyang achievenents sa kanyang mga magulang na sina Rheeniel Juyad at Mariza Juyad at kanyang pamilya kasama na rin ang girlfriend nito na si Rochelle Ivy Cion sa walang humpay na pagsuporta nito sa kanya simula palang ng mag-aral ito hanggang sa matapos ang examination.
May mensahe rin ito sa mga nawawalan ng pag-asa na kumuha ng board examination, “ naintindihan ko po at naexperience ko rin po talaga ‘yung hirap hindi po talaga madali saka maraming beses na na isipin natin hindi na kaya o ayaw na natin, pero hanapin lang natin ‘yung mga nag-iinspire at ang susuport sa atin at ‘yung reason natin in the first place kung bakit dinecide natin na gusto nating mag-Doctor para kaninio natin maging Doctor, one day at a time lang po, at para po sa ‘kin tiwala po talaga kay Lord, ‘yun po ‘yung magdadala sa atin hanggang sa dulo.”
Ipina-abot rin ni Ian ang kanyang congratulatory sa mga kaklase nito sa UPCM Class 2021 XXI at sa lahat ng kabatch nito na pumasa sa PLE.