-- Advertisements --

LA UNION – Hindi pa rin alam ni Ens. Dionne Mea Umalla, topnotcher ng Philippine Military Academy (PMA) MABALASIK Class of 2019, kung saang unit ng Philippine Navy ito maitatalaga.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Umalla, sinabi nito na sasabak muna sila sa schooling o mag-aaral ng anim na buwan hanggang isang taon bago ibigay ng pamunuan ng Philippine Navy ang kanyang magiging tungkulin.

Ngunit sa araw ng Huwebes ay nakatakda itong umuwi sa bayan ng Alilem, Ilocos Sur, upang magbakasyon kasama ang kanyang ina bago magsimula muli sa schooling at pagsabak sa trabaho bilang ganap na sundalo.

Samantala, nabatid naman ng Bombo Radyo na paparangalan ng pamahalaang pambayan ng Alilem si Ens. Umalla dahil sa pagtatapos nito bilang topnotcher sa PMA.