-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binomba ang Tower #65 ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng Agus 2-Kibawe 138kV line sa Maguing, Lanao del Sur.

Ang pagkukumpuni ng tower 65 ay magsisimula sa sandaling masiguro ang seguridad ng mga kawani ng NGCP sa lugar.

Ang bahagi ng transmission line na ito ay hindi na-energize mula noong Setyembre 2021 dahil sa pamiminsala sa mga insulator nito ng hindi pa kilalang mga indibidwal.

Idiniin ng NGCP na ang mga pambobomba ay nagsisilbi lamang upang madagdagan ang pasanin ng publiko, na dapat magdusa sa pamamagitan ng mga pagkaantala ng serbisyo kapag ang mga tore ay binomba.

Patuloy ang apela ng NGCP sa lokal at pambansang pamahalaan, mga lokal na pinuno ng komunidad, at sa publiko, na tumulong na matukoy ang mga may kagagawan ng pambobomba.

Kasama na ang negosasyon sa mga may-ari ng lupa, upang maiwasan ang mas matagal na pagkaputol ng kuryente.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Maguing PNP sa naturang pangyayari.