Naglabas ng tornado watch sa 17 milyong katao sa Florida dahil sa epekto ng hurricane Helene.
Ayon sa Storm Prediction Center na kinabibilangan ito ng Tampa, Miami, Myers at Orlando.
Maaring magdala din ang nasabing bagyo ng malawakang pagbaha.
Nagbabala naman ang Federal Emergency Management Agency (FEMA) sa mga residente ng Florida na huwag maliitin ang nasabing category 2 hurricane Helene.
Mayroong taglay na lakas ng hangi na 100 miles per hour ang nasabing hurricane.
Mayroong mahigit 800 fligths naman ang kinansela dahil sa bagyo.
Ang mga paliparan na nagsara ay kinabibilangan ng Tampa, Ft. Myers, Tallahassee, Clearwater at Sarasota.
Itinuturing ng mga otoridad na ang nasabing bagyo ay mas matindi pa sa Hurricane Idalia na umabot sa category 4 na nananalasa sa North Florida noong nakaraang taon.
Tiniyak naman ni Florida Governor Ron DeSantis na nakahanda sila sa anumang epekto ng nasabing bagyo.
May ilang mga residente na rin ang inilikas kung saan bukod sa mga kabahayan ay lumikas na rin ang mga nasa pagamutan at mga nursing homes.