Nakiusap si Toronto Mayor John Tory sa media at sa mga fans ng Raptors na hayaan si NBA superstar Kawhi Leonard na ma-enjoy ang kanyang pananatili sa lungsod.
Buhat kasi nang magwagi ang Raptors sa NBA Finals noong Hunyo 14, hindi na ito tinantanan ng mga tagahanga at kanila pang pino-post ang mga larawan ni Leonard sa social media.
Kasama rin sa nanawagan si Toronto superfan Nav Bhatia at sinabing hayaan na lamang si Leonard sa kanyang nais gawin.
“We are just trying to say to the fans, ‘Yes, we know you are very excited, you have reason to be excited but give him the space to eat where he wants to eat and shop where he wants to shop,'” wika ni Bhatia. “If you see him say ‘Thank you’ and move on and let him enjoy himself.”
Patuloy din ang ginagawa nilang panunuyo sa two-time NBA Finals MVP na huwag lumipat ng team at manatili na muna sa Raptors.
Katunayan, gumawa sina Tory, Bhatia, at si Paramount Fine Foods CEO Mohamad Fakih ng isang website, KawhiUShouldStay.com, kung saan puwedeng lumagda ang mga fans ng isang petisyon.
Sa kasalukuyan, mayroon na itong 6,000 signatures.
“If the voice of the fans should be heard, which it should, then the best way to do that, the Toronto way to do that, is to sign this petition,” ani Tory.
Halos 6-milyong katao ang naninirahan ngayon sa metro area ng Toronto. (Reuters)